Cherreads

Chapter 12 - Chapter 11

Two months have passed at sa tingin ko naman ay naging maayos ang lahat. Walang nagkanti sa akin. Walang nang-bully or ano pa man diyan. Physically, to be exact. Puwera na lang sa mga babaeng ang sasama ng tingin sa akin. Mga nagsasabi sa akin ng masasamang bagay. Chos! Mga inggit lang ang mga yun.

*chup*

"Bye kuya!" Sabi ko kay Kuya Sky at tumakbo na palabas, bago pa siya makaangal. Gusto ko kasing maglakad ngayon papuntang school.

Habang naglalakad ako ay sa kasamaang palad, may makakasalubong akong mga street gangsters. Bakit ganito. Napapansin ko ata na palagi akong nakakasalubong ng mga gangster. Ba't ganun. Kaya nga naka-nerd outfit ako, tapos di ko rine-reveal na gangster din ako, para makaiwas sa kanila, tapos ganito. 

NASAAN ANG HUSTISYA?

Oh well, wala naman akong magagawa kung tadhana ang kumilos.

Balik sa usapan.

So yun nga, makakasalubong ko talaga sila. Pero tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad at hindi na sila pinansin. Ang kaso-----

"Woah!!!! Mga pare. . .mukhang sinuswerte tayo ngayon! " Ika ng isa sa kanila.

"Tama ka dyan pre!!!! May mapag lala-ruan tayo ngayon *laughs*" Gangster 2

Sumang-ayon naman yung iba sa sinabi ng mga nauna.

"Makipaglaro ka na man sa amin, boy! Kahit di ka naman namin talaga type, pero pwede na din namang pagtyagaan." sabi ng mukhang leader nila.

Ang walang hiya, hinahaplos na ang pisngi ko at ano daw? 

Sinasabi ba nilang pangit ako? 

Ako?

OMG! 

Bulag ba mga to?

Ai teka!!!

Naka-disguise pala ako. At ngayon, nakasuot ako ng malaking eyeglasses na halos takpan ang kalahi ng mukha ko.

*pout*

Hihihihi, sorry.

Pero ano ngayon, cute pa rin naman ako. Hindi lang ako ang nagsasabi niyan, pati sina Kuya Sky.

Sige, pagbigyan natin ang mga to! Di nila alam na ang gwapo kaya nang nasa harap nila.

"Let go." Sabi ko nang mahinahon gamit ang malamig kong tono.

I waited, pero hindi pa rin niya inalis, bagkus ay pinadaan pa niya gamit ang kamay niyang iyon pababa na sa may bandang leeg ko. Kaya naman ay walang ano-ano ko itong tinabig ng may kasamang pwersa.

"Aba, aba, Aba. Palaban mga tol!!" Gangster 3

"Yeah tama ka. Alam mo, yan ang nga tipo ko eh. Matapang! At alam mo ba. Ang mga kagaya mo ay pawang mga WILD daw sa kama at MADALING mag-init. Ganun ka din ba? HAHAHAHAHAHA!!!" Nakangising nang-iinsulto na sabi ng boss nila. 

Naiinis na ako huh.

NAIINIS NA AKO!!! 

Isa pa talaga.

ISANG-ISA NA LANG!

Kutang-kuta na itong mga ito sa kin.

Tinitigan ko na lang sila. Within that gaze, namumuo ang pangakong pasakit kapag hindi pa nila itinigil ang kanilang katarantaduhan.

"Hoy! Tina-tanong ka ng boss na min! Wild ka ba daw sa kama? Huh? Huh? " Pasigaw na sabi ng isa pa nilang kasama habang dinuduro ang aking noo nang may kalakasan na dahilan upang ako ay medyo mapaatras.

"Ano? Madali ka bang mag-init? *laughs* "Dagdag pa ng isa habang tumawa nang pagkalakas-lakas.

NOW! 

MY PATIENCE SNAP!! 

MY CALMNESS IS NO LONGER HERE WITH ME!!

Hindi na ako nagtimpi pa. Walang anumang sinuntok ko ang leader nila na kasalukuyang hinahaplos na ang PANG-UPO KO!!!

PUTANG-INA!!!

"YEAH! Nag-iinit na ako. . . . . sa galit. Hentai!! (Pervert!!) " I said bluntly to them. At walang pasabing sinuntok ko siya sa mukha.

Kuso! (Shit!)  I am so pissed off!!

Nang makabawi ang sinuntok ko, galit na galit siyang tumayo. 

"Bullshit!! Kunin niyo ang isang yan! " Sigaw niya.

I prepare my self.

Hinawi ko pataas ang buhok ko ng bahagya, as my hair is a little bit long now because I forgot to go to any salon to cut my hair, especially on the front. Sakto naman na meron akong nabulsa kanina na pantali ng buhok eh tinali ko na rin yun kasi medyo tinatakpan niya ang mga mata ko. Tinatali ko kasi minsan ang buhok ko, lalong-lalo na kapag nakauwi na ako o nasa headquarters na ako nina Kuya. After that, I folded the sleeves of my polo up to my elbow and unbuttoned the first 3 buttons on the upper part as I took off my glasses. 

Tumayo lang ako sa kinaroroonan ko. Inihahanda ang sarili ko at hinintay yung pagsugod nila. Mukhang makakapag-practice ako ngayon. I'm getting rusty anyway, so okay lang. 

I smirked suddenly with anticipation.

After, I don't know for how long. 

Bagsak na silang lahat! Puro dumadaing sa sakit ng katawan.

"Tsk!! So weak." Malamig na sabi ko sa kanila.

I turned my back away from them to fix my hair then I put back on my glasses.

Kaya naman ay hindi ko napansin na sa pag-aayos ko ng buhok ko, tumataas pala ang damit ko sa likod. Causing anyone to take a glimpse at my lower back.

"A-ano yang nasa likod mo?" Nanginginig na sabi ng leader nila.

"H-hindi m-maaari!!!! " Utal-utal naman na turan ng isa pa. Nagtaka na man ako.

Ano kaya ang nasa likod ko at ganun na lang sila mag-react? Except, of course, sa flawless skin ko. While pondering, after a while, it hit me.

May tattoo pala ako sa aking likuran! An illustration of a Phoenix tattoo that covers my whole back up to the back of my neck.

I smirk. 

Mukhang namukhaan nila ang tattoo na nasa likod ko kahit hindi nila ito nakita nang buo. 

Unti-unti akong humarap sa kanila. At habang ibinababa ko ang mga manggas ng polo ko, I smiled evilly at them while saying tauntingly, "Well, Hajimemashite! (Nice to meet you!) I am known as PHOENIX! The leader of SLAYERS. . . . weaklings!!!" I whispered to them as I slightly politely bowed to them, then I gave them my sweetest smile after that.

More Chapters